in

Kapuso Foundation, tuluy-tuloy ang paghahatid ng tulong mapa-COVID o bagyo

Habang patuloy pa ring kinakaharap ng bansa ang krisis na dala ng COVID-19, wala ring tigil ang GMA Kapuso Foundation o GMAKF sa pagpaparating ng tulong at pag-asa para sa mga pamilyang nangangailangan at pati na rin ang pagbibigay ng protective supplies para sa medical frontliners.

As of May 19, nakapagpamigay na ang GMAKF ng fully loaded Kapuso grocery packs sa higit 43,000 kataong nawalan ng hanapbuhay dahil sa quarantine. Samantala, 35 pampublikong ospital naman ang nabigyan ng basic medical supplies upang maprotektahan sila mula sa banta ng virus. Sa ilalim ng ‘Labanan Natin ang COVID-19’ campaign, nakakalap ang GMAKF ng pondo mula sa donasyon ng publiko pati na rin ng kanilang partners mula sa pribadong sektor.

At nitong nagdaang linggo lang, panibagong dagok na naman ang dumating para sa ilang mga kababayan natin nang hagupitin ng bagyong Ambo ang kabisayaan. Nag-iwan ito ng matinding pinsala sa kabuhayan at tirahan sa Samar. Agad din namang nagsimula ang GMAKF sa pamamahagi ng relief goods sa mga bayan ng Las Navas at Catubig sa Northern Samar at sa Brgy. Hilabaan sa Dolores, Eastern Samar kung saan mahigit sa 5,100 indibidwal ang kanilang natulungan. Sa kabila ng lockdown dahil sa pandemic, nagawa pa ring maiparating ng Kapuso Foundation ang relief goods sa tulong ng 8th Infantry Division ng Philippine Army.

Kaya naman talagang nakakabilib ang pagiging buong puso sa pagbibigay ng Serbisyong Totoo ng GMAKF dahil lagi silang handang tumulong mapa-virus man o bagyo.

Sa mga nais ding magpaabot ng kanilang tulong sa pamamagitan ng GMAKF, bisitahin lang ang kanilang website: www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mga kuwento at serbisyong totoo mula sa GMA Public Affairs, mapapanuod online!

Marian Rivera at Dingdong Dantes, sinisiguradong may quality time para sa isa’t isa