in

‘Stairway to Heaven’, trending sa Twitter; muling kinakiligan ng fans

Pumasok sa trending topics nationwide ang muling pag-ere ng ‘Stairway to Heaven’ sa GMA

Afternoon Prime. Sey ng viewers, kahit ilang taon na simula nang una itong mapanood ay ibang klaseng kilig pa rin ang hatid ng kuwento nito. Pinagbibidahan ang Korean remake nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Rhian Ramos, pero ang mga gumanap na mga batang version nila ay sina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Joshua Dionisio. Na-miss daw ng viewers ang chemistry nina Cholo at Jodi, kaya susubaybayan muli nila ang nasabing serye.

Napapanood ang ‘Stairway to Heaven’ pagkatapos ng ‘Ika-6 Na Utos’ sa GMA Afternoon Prime.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bagong advocacy campaign ng GMA Public Affairs, pag-asa ang nais ibida

Super Tekla, tampok sa ‘Magpakailanman’