in

Jillian Ward, ibinida ang cooking skills ng kaniyang ama

Isang proud daughter ang Kapuso tween actress na si Jillian Ward sa ama na kaniyang hinahangaan pagdating sa kusina!

Sa isang Instagram post, ibinida ng ‘Prima Donnas’ star ang husay sa pagluluto ng daddy niyang si Elson Penzon na kamakailan lang ay nag-prepare ng mga pagkain na pang-fiesta sa bahay.

Aniya, “How will I lose weight if my dad cooks like this everyday.” Talaga naman kasing nakakatakam ang mga inihaw na putahe na inihanda nito para sa kanilang pamilya. Boodle fight pa ang peg!

Samantala, pahinga muna si Jillian sa pinagbibidahang top-rating GMA Afternoon Prime series na ‘Prima Donnas’ dahil sa banta ng pandemic na COVID-19. Hindi pa puwedeng mag-taping ang mga cast bilang pagsunod sa social distancing at stay-at-home guidelines ng DOH.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Super Tekla, tampok sa ‘Magpakailanman’

Jo Berry, muling nagpasalamat sa tumangkilik ng ‘Onanay’ rerun