in

Jeremiah Tiangco, may cover ng ‘Stairway To Heaven’ OST

Pinatunayan ng The Clash Season 2 Grand Champion na si Jeremiah Tiangco ang kanyang husay sa pag-awit sa kanyang cover ng ‘Stairway To Heaven’ official theme song na “Pag-ibig Ko Sana’y Mapansin” sa kanyang YouTube channel.

Napabilib niya ang netizens sa comments section ng kanyang video. 

Ayon kay Tanya Embile Garfin Acu, “This song reminds me of my Elementary days. Yung sobrang minahal ko ang kanta na ito dahil sa Stairway to heaven. At ngayon, binigyang tinig at himig mo pa Idol Crushie Jeremiah Tiangco, nakakainlove. Ang sarap pakinggan. Dama ko ang emosyon nang kanta. Gawa na rin ng husay mo talaga sa pagawit. Kakaiba talaga ang iyong tinig. I love you, keep it up !! God Bless you.”

Dagdag naman ni Camille Jaissa, “Waaah! Perfect  SWABEEEE TALAGA NG BOSES MO EH! Stairway to Heaven ng GMA 7 is one of my favorite Philippine TV Shows! It’s been 11yrs grabeeeeh! Nakakamiss tuloy si Cholo at Jodi. Thank you for singing this song, kyaaah! Naalala ku yung mga iniyakan kung scene, lalo na yung airport scene pag nagchorus na eh HAHAH Labyuuu kyaaah <3” 

Bukod sa “Pag-ibig Ko Sana’y Mapansin,” may cover din siya ng mga kantang “6, 8, 12” ni  Brian McKnight, “When You Believe” ni Mariah Carey at “How Am I Supposed To Live Without You” ni Michael Bolton sa kanyang YouTube channel.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kyline Alcantara, may special birthday message para kay Julie Anne San Jose

Bagong advocacy campaign ng GMA Public Affairs, pag-asa ang nais ibida