in

Chris Tiu, patuloy ang pagbabahagi ng kaalaman sa gitna ng quarantine

Nasa ilalim man ng community quarantine ang buong bansa, tuluy-tuloy pa rin para sa iBilib host na si Chris Tiu ang pagbabahagi ng kaalaman sa mga viewers lalo pa at mapapanood na rin tuwing Martes at Huwebes ang kanyang award-winning educational show sa GMA Network.

Tuwing umaga ay magbabahagi ang iBilib ng mga masasayang science experiments na pwedeng pag-bonding-an ng mga magulang at kanilang chikitings.

Lubos namang ikinatuwa at ikinasabik ni Chris ang pag-ere ng iBilib tuwing umaga sa Kapuso Network na pwede raw alternatibong paraan upang patuloy na matuto ang mga bata sa kabila ng kinahaharap na pandemya, “Now na wala munang pasukan sa mga eskuwelahan, I think this is a great platform for alternative learning. What we do in the show is to teach science.”

Dagdag pa ng dating Basketball player at ngayon ay Department of Science and Technology (DOST) ambassador, nami-miss na rin nito ang kanyang iBilib team na matagal na niyang hindi nakikita dahil sa ipinatupad na community quarantine.

“This is the longest time that we haven’t seen each other and we’re always excited to create new content and new material for the information, for the learning of our viewers,” ani ni Chris. Mapapanood ang iBilib tuwing Martes at Huwebes, 8:30 ng umaga, sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Carla Abellana at Tom Rodriguez, pinatakam ang netizens

Barbie Forteza at Jak Roberto, tatlong taon na ang relasyon!