in

Carla Abellana at Tom Rodriguez, pinatakam ang netizens

Pinatakam ng Kapuso couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez ang netizens sa kanilang latest YouTube vlog kung saan nagluto ang dalawa ng specialty ni Carla na Leche Flan.

Ayon sa Kapuso actress, high school pa lang daw siya ay kinahiligan na nito ang paggawa ng classic Filipino dessert na siya ring paborito ng boyfriend na si Tom.

Habang nasa ilalim pa rin ng community quarantine ang bansa, ibinahagi nina Carla at Tom ang nakakatakam at madaling Leche Flan recipe na tiyak ay kayang-kayang sundan ng mga netizens na nais may pagkaabalahan sa kani-kanilang tahanan.

Kinakiligan naman ng netizens ang ka-sweetan ng Kapuso couple na kasing-tamis daw ng inihandang Leche Flan.

“Sweet na leche flan, sweet na couple. Perfect combination!”

Ani pa ng netizens ay swak na swak daw ang personalities ng TomCar para sa isa’t isa, “Best match talaga sila haha isang seryoso at isang makulit.”

Samantala, muling napapanood ang rerun ng My Husband’s Lover na siyang pinagbibidahan nina Carla at Tom kasama si Kapuso Drama King Dennis Trillo kapalit ng Love of my Life sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Encantadia’ fever, damang-dama ni Gabbi Garcia!

Chris Tiu, patuloy ang pagbabahagi ng kaalaman sa gitna ng quarantine