in

Bagong advocacy campaign ng GMA Public Affairs, pag-asa ang nais ibida

Nasa puso ang pag-asa nating mga Pilipino kaya hindi tayo dapat sumuko sa kahit anong pagsubok. Ito ang mensahe ng GMA Public Affairs sa bago nitong advocacy campaign na “Nasa Puso Ang Pag-asa” na unang napanuod sa 24 Oras nitong Martes (May 19).  

Sa gitna ng bagong pagsubok na kinakaharap natin dahil sa COVID-19, mga kuwento ng pagtutulungan, sama-samang pakikipaglaban, at muling pagbangon ang mapapanuod sa “Nasa Puso Ang Pag-asa” campaign.

Iniimbitahan din nito ang bawat Pilipino na magbigay ng pag-asa at positive vibes sa ibang tao sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan sa kapwa—gaano man kaliit ito. Tiyak na marami ang maaantig ang puso sa mga kuwento ng pag-asa na hindi lamang sa TV mapapanuod.

Magiging available rin kasi ang mga ito sa official website ng GMA Network at sa official social media accounts ng GMA Public Affairs. Salamat, GMA Public Affairs, sa proyektong ito!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jeremiah Tiangco, may cover ng ‘Stairway To Heaven’ OST

‘Stairway to Heaven’, trending sa Twitter; muling kinakiligan ng fans