in

Unang #GMATelebahay video, isang tribute para sa mga nanay

Sa unang video ng digital series na #GMATeleBahay, nagbigay-pugay ang Kapuso Network sa lahat ng mga nanay.

Pinamagatang ‘Salamat, ‘Nay’, sinundan nito ang kuwento ng isang ina na humiwalay sa pamilya niya para kumita ng pera.

Sa madamdaming video, ipinakita kung paano siya nangungulila sa mga anak at asawa. Tampok dito sina Gilleth Sandico bilang ang ina, at sina Mikee Quintos, Mikoy Morales, at Raphael Landicho, kasama si Neil Ryan Sese.

Base sa comments sa Facebook video, marami ang naantig at naka-relate. Kahit daw lumipas na ang Mother’s Day, dapat ay araw-araw pa rin nating iparamdam sa mga ina natin ang pagmamahal natin para sa kanila.

Panoorin ang video sa official Facebook page ng GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Michelle Dee, may bagong project sa GMA Network!

Rhian Ramos, binalikan ang mga alaala sa taping noon ng ‘Stairway to Heaven’