in

Kapuso artists, nagsanib-puwersa para sa ‘Balang Araw’

Upang makapaghatid ng inspirasyon at pag-asa, nagsanib-puwersa ang ilang Kapuso artists para sa video na ‘Balang Araw’ na naglalaman ng mga taos-pusong mensahe para sa kanilang mga masugid na manonood.

Sa pangunguna ni Asia’s Multimedia star Alden Richards, Julie Anne San Jose, Ken Chan, Rita Daniela at Gil Cuerva, tampok sa ‘Balang Araw’ ang mga bida sa variety at musical shows ng Kapuso Network tulad nina Solenn Huessaff, Carmina Villarroel, Christian Bautista at marami pang iba.

“Hindi lang po kami nakikita as ‘yung artista po na umaarte kundi magiging face rin po kami of hope for a lot of people and that means a lot,” kwento ni Rita. 

Ayon naman kay Gil, hindi lang sa pagdo-donate maaaring tumulong ang mga tao sa kanilang kapwa, “One of the ways we can help other people is not just through donations but also maybe through sharing some inspiration.”

Magkakalayo man ngayon ang publiko dahil sa banta ng COVID-19, balang araw ay magkakaroon muli ang lahat ng pagkakataong magsama-sama at magsaya.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Willie Revillame, planong mas pagandahin ang ‘Wowowin’

Kyline Alcantara, may special birthday message para kay Julie Anne San Jose