in

Janine Gutierrez, nais muling bisitahin ang Switzerland

Sa pagtatapos ng modified enhanced community quarantine, looking forward si Kapuso star Janine Gutierrez na makapag-travel muli at isa raw sa mga bansang nais nitong puntahan ay Switzerland.

Gusto daw ni Janine na balikan ang naturang bansa upang personal na mapuntahan ang mga lugar na pinag-shoot-ingan ng kinababaliwan niyang South Korean drama series na Crash Landing On You.

“I wanna go back to Switzerland, kung saan nagkita si Captain Ri saka si Yoon Se Ri. Gusto kong pumunta doon,” ani ni Janine.

Bukod sa Switzerland, nais din daw ni Janine na bumisita sa Croatia at sa Amerika, partikular sa Los Angeles kung saan mayroon siyang mga kamag-anak. Samantala, aktibo rin si Janine sa pagpapaabot ng tulong sa mga higit na apektado ng COVID-19 pandemic at sa katunayan ay naglunsad ito ng fundraiser kasama ang kanyang mga kapatid habang naka-quarantine.

Ika ni Janine ay responsibilidad daw ng mga artista na maging sensitibo sa panahong ito. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Gabbi Garcia, kinilig sa papuri ni Sharon Cuneta

Willie Revillame, planong mas pagandahin ang ‘Wowowin’