in

Alden Richards, tuluy-tuloy ang pagtulong sa mga apektado ng COVID-19 pandemic

Hindi nagsasawang magbigay ng kanyang tulong ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa kanyang mga kababayan na higit na apektado ng health crisis sa bansa.

Ang tinulungan naman ng Kapuso actor ay ang mga street dweller na naninirahan ngayon sa Paco Catholic School at Don Bosco Makati.

Matapos niyang mapanood ang ulat ng 24 Oras tungkol sa Catholic Institutions na ito, hindi dalawang isip si Alden na magpaabot ng kanyang tulong sa kanila lalo pa dahil malapit sa puso niya ang Paco Catholic School dahil dito siya nag-aral noong high school.

Agad namang nagpasalamat ang kanyang mga natulungan sa isang video message na pinost sa kanilang Facebook page, “Thank you to our former student Richard Faulkerson, aka Alden Richards for your assistance… please click to watch the videos.” Maging ang mga taga-Don Bosco Makati ay nagpaabot ng kanilang pasasalamat kay Alden sa mensahe na pinadala ni Fr. Favie Faldas, ‘Kaya Alden [Richards] malaki ang papasalamat namin sa iyo. Idol ka namin, ‘di lang sa panonood ng TV pati rin sa iyong kagandahang puso.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN, handang sagutin ang mga alegasyon sa tamang lugar

Local newscasts ng GMA Regional TV, mapapanuod na rin sa GMA News TV!