in

Pagganap ni Dingdong Dantes bilang Cholo sa ‘Stairway To Heaven,’ nagbigay sa kanya ng first acting award

Talagang memorable para sa Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang Pinoy adaptation ng Stairway To Heaven kung saan siya ang gumanap sa karakter ni Cholo.

Ang primetime series kasi na ito na unang pinalabas noong 2009  ang nagbigay sa kanya ng kauna-unahan niyang acting award sa showbiz.

Dahil sa kanyang natatanging pagganap sa kanyang karakter, hinirang siyang Best Drama Actor para sa 24th PMPC Star Awards for Television noong November 20, 2010.

Noong taon ding iyon, na-nominate din si Dingdong sa katergoryang Best Actor in a Leading Role sa Asian Television Awards dahil din sa kanyang pagganap sa Stairway To Heaven.

Kaya naman hindi maikakailang nagbigay ng karangalan sa GMA Network at sa bansa si Dingdong dahil sa Stairway To Heaven.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Pepito Manaloto,’ nag-trending, best comedy show ayon sa netizens

ABS-CBN, handang sagutin ang mga alegasyon sa tamang lugar