in

‘Art Angel’ at ‘iBilib,’ mapapanood na tuwing umaga sa GMA Network

Siguradong matutuwa at mas sisigla ang mga chikiting ngayong darating na Lunes dahil mapapanood na tuwing umaga ang well-loved educational programs na Art Angel at iBilib sa Kapuso Network.

Habang nasa ilalim pa rin ng community quarantine ang ilang parte ng bansa, ito na ang tsansa para maka-bonding ng mga magulang ang kanilang mga anak sa paggawa ng crafts at scientific experiments handog ng Art Angel at iBilib.

Tuwing 8:25AM ng Lunes, Miyerkules, at Biyernes ay makakasama muli ang masayang barkadahan nina Pia Arcangel, Tonipet Gaba, at Krystal Reyes mula sa award-winning show ng GMA Public Affairs na Art Angel.

Hindi lang netizens ang excited sa pagbabalik ng minahal na art show na orihinal na umere taong 2004 hanggang 2011, kundi pati na rin si Tonipet.

Nag-post pa nga ito sa kanyang Instagram ng logo ng show na may caption na “MAY NAGBABALIK!!! Mga batang ART ANGEL!”

Hindi lang arts and crafts ang pwedeng pagkaabalahan ng mga nanay at tatay kasama ang kanilang chikitings habang naka-quarantine, tuwing Martes at Huwebes naman ay makakasama ang isa pang infotainment na suwak din sa mga bagets, ang iBilib.

Samahan sina Chris Tiu at comedic pair ng Moymoy Palaboy sa pagsubok sa mga interesting at cool science experiments.

Mas pasayahin ang quarantine kasama ang Art Angel at iBilib, simula ngayong Lunes (May 18), 8:25 ng umaga, sa GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Alden Richards, nanawagan ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Ambo sa Eastern Samar

Mas masayang umaga hatid ng Kapuso Network simula Lunes