in

Alden Richards, nanawagan ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Ambo sa Eastern Samar

Dasal at tulong ang panawagan ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards para sa mga taga-Eastern Samar na nasalanta ng bagyong Ambo.

Sa pamamagitan ng Twitter, humingi siya ng donasyon para sa mga residente nito kasama ang ilang litrato ng mga nasirang imprastruktura sa rehiyon. Hinikayat din niya ang kanyang followers na magbigay ng donasyon sa GMA Kapuso Foundation para sa nakatakdang relief operations nito sa mga naapektuhang lugar.

“Yesterday, the people on the coastal towns of Eastern Samar were devastated by typhoon Ambo. Let us pray for their safety. They need our help. Relief distribution of the GMA Kapuso Foundation is set for Monday. You can still donate to GMAKF and via Cebuana Lhullier. Thank you po,” tweet ni Alden.

Bisitahin ang official site ng GMA Kapuso Foundation para malaman ang iba’t ibang paraan kung paano makakatulong at makapagbigay ng donasyon.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Julie Anne San Jose, may online mini concert

‘Art Angel’ at ‘iBilib,’ mapapanood na tuwing umaga sa GMA Network