Ibinahagi ng Kapuso actress na si Joyce Pring na malaking tulong na ibinibigay ng kanyang alagang aso na si Bowie sa kanya.
Ayon sa aktres, si Bowie ang tumutulong sa kanya tuwing may anxiety attacks siyang pinagdadaanan. Kamakailan lang ay nangyari ito sa viewing party niya para sa music video na #AloneTogetherPH.
Aniya, “Bowie is basically an ANGEL. Every time I have anxiety attacks (or as you can see here when I got emotional during the viewing party of #AloneTogetherPH kanina – seeing family and friends on the video GOT ME) he knows EXACTLY what to do.”
Dagdag pa ni Joyce, since 2018 pa siya tinutulungan ni Bowie.