in

‘Super Ging at Witchikels,’ susuong sa mas matinding hamon ngayong Linggo

Matitinding mga hamon ang haharapin ng mga bida sa back-to-back story ni Lola Goreng sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’ ngayong Linggo (May 17).

Sa adventure ni Super Ging (Bianca Umali), haharapin niya ang mga halimaw na gustong sumira sa katahimikan ng kanilang lugar. Mailigtas kaya niya ang crush niyang si Harvey (Miguel Tanfelix)?

Samantala, ang Witchikels sisters namang sina Winona (Kylie Padilla), Willow (Gabbi Garcia), at Winslet (Sanya Lopez) ay susubukang alisin ang spell na ginamit ng evil stepmom nilang si Waleylang sa kanilang ama.

‘Wag palalampasin ang isa na namang magical na Linggo hatid ng ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’ pagkatapos ng ‘Amazing Earth’ sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Arra San Agustin, isiniwalat ang type na lalaki

Paolo Contis, may sarili na ring YouTube channel!