in

Joyce Pring, naging emosyunal sa throwback Korea vlog

Hindi napigilan ni Unang Hirit host Joyce Pring na maging emosyunal habang pinapanood nito ang ikatlong part ng kanyang Korea Adventure vlog na uploaded sa kanyang growing YouTube channel.

Throwback ito noong nag-shoot ang Unang Hirit cast sa Seoul, South Korea para sa ika-20th anniversary nila noong December 2019.

“Sobrang nakakamiss magtrabaho at magtravel for work. Miss ko na ang ‘Unang Hirit’ fam na kasama ko sa trip na ‘to (hello Mariz Umali, Janela Paguio, Ate Aileen, Kuya Mike, Kuya Fred)!”

Ayon kay Joyce, ito raw ang isa sa mga huling trips niya bago lumala ang COVID-19 pandemic at tuluyang itinigil ang flights sa buong bansa. Miss man ni Joyce ang kanyang hosting gigs at pagta-travel, hiling ng Kapuso star ang safety at good health ng lahat.

“I hope one day we get the chance to safely explore beautiful, new places again and immerse ourselves in different cultures,” ani pa ni Joyce.

Samantala, isa si Joyce sa mga aktibong social media influencers na nagbibigay ng talk tungkol sa mental health awareness at productivity sa kanyang sikat na podcast na ‘Adulting With Joyce Pring.’

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Cherie Gil, ibinida ang kanyang vegetable garden

Derrick Monasterio, may handog na kanta para sa frontliners