Bilang isang celebrity, aminado ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez na hindi siya sigurado kung paano aasal noong unang idineklara na sasailalim ang ilang bahagi ng bansa sa enhanced community quarantine.
Dahil dito, nag-social media hiatus siya nang isang buwan para manatiling sensitibo sa pinagdaraanan ng bansa at ng mga tao. “I was so careful with what to post, what to say kasi I didn’t wanna be insensitive. Eventually, I started posting again on Instagram, realizing nga na parang hindi pa ito matatapos. We have to adjust to this new normal,” kuwento niya.
Naniniwala siyang may responsibilidad ang bawat artista o celebrity na maging sensitibo lalo na sa panahong marami ang nahihirapan.
“I think one of the roles is, first of all, to just really be sensitive and to use whatever platform you have to spread information. In a way, lahat tayo parepareho ng pinagdadaanan. It’s just nice to be able to talk to people now. I know a lot of people may feel isolated, being away from their families so na-e-enjoy ko din ‘yung konting chika sa Instagram or sa Twitter. I just try to be there,” aniya.