in

Iya Villania, nagbahagi ng potty training tips para sa mga nanay

Naka-isip na naman ng isang makabuluhang activity ang ‘Mars Pa More’ host na si Iya Villania habang naka-quarantine.

Ito ay para sa mga first-time moms na nahihirapan i-potty train ang kanilang mga chikiting.

Ngayon kasi ang perfect time para gawin ito dahil maraming panahonna magkasama ang mga mag-iina sa bahay dahil sa lockdown bunsod ng pandemic na COVID-19.

Sa isang Facebook live session, binigyan ni Iya ng potty training tips ang mga mommies mula sa kaniyang personal experiences. Kasama rin niya sa video ang cute na cute na mga anak na sina Primo at Leon, pati ang asawang si Drew.

Mapapanood ang ‘Mama Iya’s Tips on POTTY TRAINING’ sa kanilang FB page na Life with the Arellanos. Laking pasasalamat naman ng mga sumali sa live session dahil sa helpful na techniques ng host!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Aiai Delas Alas, katuwang ang buong pamilya sa kanyang baking business

Kris Bernal, nakahandang i-celebrate ang kaarawan sa isang live workout session