in

Arra San Agustin, isiniwalat ang type na lalaki

Sa recent live session ng YouLOL na Ladies Room, isiniwalat ng Bubble Gang babe na sina Arra San Agustin sa co-stars na sina Chariz Solomon, Valeen Montenegro, Lovely Abella, Faye Lorenzo at Kim Domingo ang mga turn on at turn off para sa kanya pagdating sa mga lalaki.

Sey ni Arra sa mga lalaki, “Stop playing mind games” daw sa mga nagugustuhan nilang babae.

Dagdag pa nito, attracted daw siya kapag ang lalaki ang unang gumagawa ng move. Aniya, “Ako, gusto ko sa lalaki sila ‘yung mag-aaproach kaagad. May mga lalaki kasi parang nakaka-intimidate, e, di ba, sila dapat ‘yung [nag-a-aproach]. I mean, ako, vina-value ko pa rin na sila ‘yung dapat nauuna mag-approach.”

Samantala, patuloy na nagbibigay ng saya at katatawanan ang comedy channel ng GMA Entertainment Group na YouLOL. Para mag-subscribe, pumunta lamang sa YouTube account nito na www.youtube.com/YouLOLGMA.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Boobay at Tekla, makikipagkulitan sa netizens sa live chat session ng YouLOL

‘Super Ging at Witchikels,’ susuong sa mas matinding hamon ngayong Linggo