in

‘Stairway To Heaven,’ magbabalik-telebisyon simula Mayo 18

Simula Mayo 18, muling magpapakilig ang kwento ng pagmamahalan nina Cholo at Jodi sa GMA adaptation ng well-loved Koreanovela na ‘Stairway To Heaven.’

Ang unforgetabble series na ito ay pinagbidahan nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at versatile actress Rhian Ramos.

Iikot ang kwento kina Jodi at Cholo na sabay lumaki at nangako sa isa’t isa na sila ang magkakatuluyan. Sa kanilang pagtanda, haharapin nila ang mga pagsubok na darating sa kanilang pag-iibigan.

Mahihiwalay si Cholo kay Jodi dahil itutuloy niya ang kanyang pag-aaral sa ibang bansa. Isa namang aksidente ang bubura sa alaala ni Jodi tungkol kay Cholo dahilan upang maudlot ang kanilang pagmamahalan. Paano muling pagtatagpuin ng tadhana sina Jodi at Cholo?

Abangan ang pagbabalik ng Pinoy adaptation ng ‘Stairway To Heaven’ simula Lunes pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa GMA Afternoon Prime.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Elijah Alejo, nilinaw na magkaibigan sila ni Jillian Ward

David Licauco, may makaka-date online?