in

Mark Herras, ginawan ng dance steps ang ‘Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko’ single ni Betong Sumaya

Pinasalamatan ng Kapuso comedian at performer na si Betong Sumaya ang tinaguriang ‘Bad Boy of the Dance Floor’ na si Mark Herras dahil ginawan niya ng dance steps ang debut single niya sa GMA Music na ‘Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko.’ 

Busy ngayon ang ‘Centerstage’ host sa pag-promote ng kaniyang kanta na pwede nang i-stream at i-download sa Spotify, Itunes, YouTube Music, Apple Music at sa lahat digital stores worldwide. Buti kahit na naka-quarantine, ay may pinagkaka-abalahan ngayon si Betong dahil mag-isa lang siya sa tinitirahang condo. 

Pina-alalahanan din niya ang mga fans na manatiling safe sa kani-kanilang mga bahay. Aniya, “Stay safe always guys, amazing.” Congrats, Betong!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Dingdong Dantes, tampok sa DOH at FDCP anti-COVID-19 campaign

Rhian Ramos, sumubok sa “Tagalog Only Challenge”