in

Kara David ibabahagi ang kanyang ECQusina story online

Biru-biruan nga sa ating mga Pinoy na pagkatapos ng ECQ ay marami na sa atin ang ga-graduate na chef dahil sa dalas nating magluto sa kusina. Ang nakatutuwa pa rito, dahil na rin sa halos lahat tayo ay limitado lang din ang pwedeng mailuto, umiral ang Pinoy ingenuity sa paghahanda ng ating mga pagkain.

Kaya naman ang GMA News TV program na Pinas Sarap, may bagong paandar online—ito ang ECQusina: Pinoy Kusina Stories Ngayong Quarantine. Ang ECQusina ang latest online series ng Pinas Sarap kung saan itatampok ang ilan sa mga nakaaaliw na dishes na gawa sa mga special food item na bumida ngayong tayong lahat ay stay at home.

Ang Pinas Sarap host nga na si Kara David, ibabahagi ang kanyang ECQusina story sa Huwebes (May 14), 4 pm sa Facebook page ng programa. Ano kayang putahe ang ihahanda ni Kara at anong food item na bumida ngayong quarantine ang gagamitin niya?

Bukod kay Kara, abangan ang iba pang personalities na magsi-share ng kanilang ECQusina story. Tutok na sa FB page ng Pinas Sarap ngayong Huwebes!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kapuso hunks, sasabak sa ‘Totropahin o Jojowain’ challenge

Dingdong Dantes, tampok sa DOH at FDCP anti-COVID-19 campaign