Binibigyang diin ng GMA Kapuso Foundation o GMAKF sa publiko na wala silang politikal na koneksyon o sinusuportahang kahit na sinong kandidato sa kanilang mga proyekto.
Sa kanilang “Operation Bayanihan: Labanan ang COVID-19”, kasalukuyang namimigay ng grocery packs ang GMAKF sa mga nangangailangang pamilya na nawalan ng hanapbuhay dahil sa quarantine. Nagmula naman sa mga donasyon ng publiko pati na rin ng mga partner nila sa private sector ang mga pinamimigay nilang tulong.
Ayon sa pahayag nila sa kanilang official Facebook page, “GMA Kapuso Foundation distributes family grocery packs in aid of daily wage earners and their families affected by COVID-19. GMA Kapuso Foundation is not affiliated with and does not support any political candidate. GMAKF is non partisan and non political.
Wala kaming kandidato. Wala kaming kinikilingan.
Ang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation ay pawang SERBISYONG TOTOO LAMANG.”
As of May 5, higit 31,000 katao na ang natulungan ng GMAKF sa kanilang proyekto. Kaya naman sa mga mapagsamantala o malisyoso d’yan, ‘wag naman na sana nating pag-isipan pa ng masama ang ginagawa nilang pagmamalasakit sa kapwa ngayong krisis na ito.