in

Kabayanihan ng Pinoy sa gitna ng COVID-19, binibida ng Kapuso Network

Madaling makadama ng kalungkutan sa gitna ng mga di magagandang balita dulot ng COVID-19. Kaya naman malaking bagay na nalalaman din natin ang mga kabayanihan ng ating mga kababayan na nakakapag-bigay ng kaunting pag-asa sa atin.

Ang GMA 7, mapa TV, radio, o online man, patuloy sa mga programang nagbibigay focus sa mga  magagandang ginagawa ng mga Pilipino.

Mapa dokyu o news program man, di nakakalimutan ng GMA na bigyang-halaga ang mga bayani ng COVID-19.

Hindi nga ba’t may mga special episode na ipinapalabas ang mga programa tulad ng KMJS, I-Witness, Born to Be Wild, Pinas Sarap, pati na rin ang mga online specials tulad ng sa Brigada?

Sa mga news program tulad ng Unang Hirit, 24 Oras, at 24 Oras Weekend, laging may segment para sa mga Pilipinong naglalaan ng kanilang oras upang makatulong sa kapwa.

Nakaka-inspire kasi kapag napapanuod mo ang mga kuwento ng ibang Pinoy hindi lang ng mga frontliners kundi pati na rin ng mga volunteer.  Minsan nga, kahit mga wala rin naman masyadong pera, hindi ito nagiging hadlang upang tumulong sila. Patunay ito na marami pa rin talagang Pilipino ang may malaking puso. Sana ay mas marami pa tayong ganitong kuwento na nagdudulot ng pag-asa sa ating buhay! 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kapuso Foundation, tuloy ang Serbisyong Totoo

Jennylyn Mercado, nag-alay ng kanta para kay Mommy Lydia