in

Dingdong Dantes, tampok sa DOH at FDCP anti-COVID-19 campaign

Sa public service announcement ng Department of Health (DOH) at Film Development Council of the Philippines (FDCP) kaugnay ng impormasyon tungkol sa COVID-19 at kung paano ito maiiwasan, tampok ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Lahad ni Dingdong sa eksklusibong panayam ng 24 Oras, “Kinontak ako ni Liza Diño ng FDCP as well ni Pepe Diokno ‘yung naging direktor ng infomercial. Ito para talaga sa telebisyon. Ipinakikita ‘yung pinaka-basics, kung ano ‘yung mga dapat gawin para malimitahan ‘yung risks of having COVID-19. ‘Yung mga simpleng bagay na gano’n na siguro dati ay tine-take natin for granted ay napakahalaga talaga para makasalba tayo ng buhay.”

Dagdag na kuwento ng ‘Descendants of the Sun’ lead actor, katulong raw niya sa pag-shoot ng clip ang asawang si Marian Rivera-Dantes, “Siya ‘yung nag-click ng camera. Ang galing nga e, kasi parang ang ganda nu’ng tandem namin pagdating sa ganu’n. Ang dali niyang matuto pagdating sa camera.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kara David ibabahagi ang kanyang ECQusina story online

Mark Herras, ginawan ng dance steps ang ‘Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko’ single ni Betong Sumaya