in

Awitin ni Faith Cuneta, muling maririnig sa pagbabalik ng ‘Stairway to Heaven’ sa GMA Network

Muling maririnig ang powerful voice ng singer na si Faith Cuneta sa pagbabalik-telebisyon ng minahal na Philippine adaptation ng hit Koreanovela na Stairway to Heaven sa Kapuso Network ngayong Mayo 18.

Ang version ni Faith ng ‘Pag-ibig Ko’y Pansinin’ ang maririnig sa 2009 Pinoy adaptation ng Korean drama na pinagbidahan nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Rhian Ramos.

Matapos ang kanyang break from showbiz upang pagtuunan ng pansin ang buhay may asawa at ang kanyang 2-year-old baby, excited si Faith na muling iparinig ang kanyang mga awitin sa patuloy na dumaraming Korean drama fans.

“The clamor was always there, fans would message me on FB and IG asking when my next Koreanovela and teleserye themesong will be.”

Ang awitin ni Faith na ‘Pag-ibig Ko’y Pansinin’ ang ginamit sa original Korean version ng Stairway to Heaven na ipinalabas din sa GMA Network 15 taon na ang nakakalipas.

Nakabase si Faith sa U.S. kasama ang kanyang Amerikanong asawa subalit kasalukuyan itong na-stuck sa Manila matapos ideklara ang enhanced community quarantine.

Si Faith din ang umawit ng theme songs ng ilan sa mga sikat na Koreanovelas sa Kapuso Network gaya ng Endless Love, Winter Sonata, Jumong, Hwang Jini, at Jewel In the Palace.

Muling maririnig ang version ni Faith ng ‘Pag-ibig Ko’y Pansinin’ ngayong Linggo (May 17) sa online show ng All-Out Sundays sa kanilang Facebook page.  

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Katrina Halili, nilibot ang El Nido, Palawan sakay ng isang yate

Kapuso Foundation, tuloy ang Serbisyong Totoo