in

Willie Revillame, happy at proud sa pagdiriwang ng ika-5 anibersaryo ng ‘Wowowin’ sa GMA Network

Bilang parte ng ikalimang anibersaryo ng Wowowin, inalala ni Willie Revillame kung paano nagsimulang umere ang Wowowin sa Kapuso Network noong 2015.

Bago pa maging certified Kapuso si Willie ay muntik na pala siyang tumigil sa showbiz kaya naman lubos ang pasasalamat niya sa tiwala ng GMA sa kanya at sa saya at serbisyong hatid ng programa.

Aniya, “Kaya ko kinukwento ay dahil sobrang blessed akong tao. Sobrang napakaswerte ko kaya siguro nandito ako para may purpose, para maging tulay, para maging instrumento para sa ating mga kababayan.”

Binigyang-pugay din ni Willie ang kanyang staff at mga kasamahang patuloy na masigasig magtrabaho upang makatulong sa maraming Pilipino sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Maraming salamat po sa inyong lahat dahil kung hindi ninyo naman po sinuportahan ang programa namin, ang Wowowin, wala naman ako dito at hindi naman ako i-stay ng GMA. Kaya po kami nagri-rate dahil sa inyo kaya itong programang ito ginawa para sa inyong lahat,” lahad ni Willie.

Patuloy subaybayan ang ‘Wowowin,’ mula Lunes hanggang Biyernes sa YouTube, Facebook, Twitter at GMA-7!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kim Domingo, ginawan ng painting ng tagahanga

Mike Tan, nagpasalamat sa Ecuadorian fans