in

Netizens, kinakiligan ang first vlog nina Rayver Cruz at Janine Gutierrez

Nagpaulan ng kilig ang Kapuso couple na sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz sa kanilang first ever YouTube vlog together kung saan nag-Mukbang o food trip ang dalawa.

Sa first appearance ni Rayver sa YouTube channel ni Janine, game at masayang sinagot ng dalawa ang mga tanong ng netizens tungkol sa kanilang relationship gaya ng kung saan sila unang nag-meet, saan ang kanilang first date, o kung sino ang unang nagsabi ng ‘I love you’.

Sa bawat maling sagot ay may parusang pitik sa noo. Patok na patok naman sa netizens ang nakakakilig na video ng dalawa na pumalo na sa 130k views sa loob lamang ng 20 oras mula nang i-upload ito.

“Ang cute niyong tingnan. I was smiling the entire vlog as in. Hope to see the dare vlog the soonest. And I hope you’ll guest him often,” ani ng netizen na si Juliet Valdez.

Bumuhos naman ang video requests sa dalawa mula sa Can’t Say No challenge, Girlfriend Does My Makeup challenge, pati na rin TikTok Dance challenge.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Lovi Poe, may payo para manatiling positibo sa gitna ng COVID-19 crisis

Kris Bernal, nakatanggap ng makeover mula sa mom niya