Sa latest video ni Mike Tan sa kanyang YouTube account, ipinakita niya ang behind-the-scenes kung paano niya sinubukang magpasalamat sa Ecuadorian fans ng ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka’ in Spanish.
Pabirong kuwento ni Mike, naka-3000 retakes daw siya para rito.
Naging matagumpay ang pag-ere ng seryeng pinagbidahan niya kasama ni Yasmien Kurdi sa Ecuador na tinawag doong “Quedate ami Lado”.
Sa huli, successful ang attempt ni Mike at naipahatid niya ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng Ecuadorian fans na sumuporta sa kanila.