in

Lovi Poe, may payo para manatiling positibo sa gitna ng COVID-19 crisis

Usap-usapan ngayon ang isyu ng mental health sa gitna ng krisis pangkalusugan na kinahaharap ng buong mundo.

Magmula nang pumutok ang COVID-19 pandemic, marami na ang nagbago sa mundong ating ginagalawan kaya hindi rin kataka-taka na maraming tao ngayon ang nakakaramdam ng stress, anxiety, at maging depression.

Mas dumarami rin ang celebrities na nagbabahagi ng kani-kanilang pangamba at coping mechanisms habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine. Nagbigay ng personal advice ang Kapuso actress and Owe My Love star na si Lovi Poe kung papaano malalabanan ang pandemic anxiety.

Kinakailangan daw simulan ang umaga nang positibo sa pamamagitan ng page-exercise, pagdarasal, o meditation. Malaking tulong daw ang masayang tugtugin para pasiglahin ang sarili.

Dagdag ni Lovi, importante rin na panatilihing busy ang sarili para maiwasan makapag-isip ng kung anu-ano.

“The moment siguro may nararamdaman kang certain stress ulit, pick up a book and start reading, cook, bake,” ani ni Lovi.

Pinakahuli, gamitin daw ang panahon na ito upang pagtibayin ang relasyon sa ating mga mahal sa buhay lalo pa at higit na kailangan natin ng emotional support.

Abangan ang pagbibidahang romance-comedy series ni Lovi kasama ang Kapuso hunk actor na si Benjamin Alves na Owe My Love sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Aiko Melendez, tumatag ang pananampalataya dahil kay Coney Reyes

Netizens, kinakiligan ang first vlog nina Rayver Cruz at Janine Gutierrez