in

Aiko Melendez, tumatag ang pananampalataya dahil kay Coney Reyes

Malaki ang pasasalamat ni Prima Donnas star Aiko Melendez sa veteran actress na si Coney Reyes sa ginawa nitong pagtulong sa pagpapatatag ng kanyang pananampalataya.

Sa kanyang Instagram post, binalikan ng mahusay na Kapuso aktres ang kanyang Christian baptism na pinakamasayang punto raw ng kanyang buhay.

“This is definitely one of my happiest and peaceful day ever, when I surrendered my Life to Jesus and got water baptism with one of my pastors @laryetuy,” ani ni Aiko.

Pagkukwento pa nito, malaki raw ang papel na ginampanan ng Love of my Life actress sa kanyang buhay lalo na noong panahon na lugmok ito at sabay silang nagba-Bible study, “it is no secret how I got closer to the Lord, tita @coneyreyes played a big role in my life, when i was going through some rough times in life.”

Sa huli, nag-iwan ng payo ang Kapuso star para sa lahat ng mga taong dumadaan sa matinding pagsubok ngayon.

“To all those who are going through difficulties in life, battling anxiety, please hold to the Promises Lord Jesus gave us. He said in his words In Jeremiah 29:11,” saad ni Aiko.

Samantala, habang tigil muna sa taping ang mga serye, muling napapanood ang Onanay sa timeslot ng Prima Donnas habang My Husband’s Lover naman ang pansamantalang pumalit sa Love of my Life sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Julie Anne San Jose, pinabilib ang netizens sa kanyang cover ng ‘Bagsakan’

Lovi Poe, may payo para manatiling positibo sa gitna ng COVID-19 crisis