in

Mylene Dizon, tambay sa kusina ngayong quarantine

Struggle raw para sa isang ina ang kasalukuyang umiiral na enhanced community quarantine ayon kay Kapuso actress at Bilangin Ang Bituin sa Langit star Mylene Dizon.

Sa kanyang exclusive interview sa Kapuso Network, aminado si Mylene na nauubusan na raw siya ng recipe na ihahanda para sa kanyang pamilya. Kung wala raw siya sa garden ay madalas itong nakatambay sa kanilang kusina dahil busy siya sa pagluluto para sa kanyang mga anak at nobyong si Jason Webb.

Dagdag pa ni Mylene, hindi niya dati masyadong iniisip ang mga putahe na kailangan ihanda noon dahil nasa eskwelahan naman ang mga anak.

“Ngayon almusal, tanghalian, snack, dinner, at saka you want to keep it interesting.”

Samantala, dahil tigil muna sa taping ang mga serye, pansamantalang napapanood ang Alyas Robin Hood sa timeslot ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMA Afternoon Prime.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jason Abalos, may sweet birthday message para sa nobya

Boobay at Tekla, nagbahagi ng mga natutunan nila ngayong ECQ