in

Mavy at Cassy Legaspi, may nakakatuwang Mother’s Day greeting para kay Carmina Villarroel

Isang nakakaaliw ngunit touching message ang handog ng Kapuso twins na sina Mavy at Cassy Legaspi sa kanilang ina at Sarap ‘Di Ba? co-host na si Carmina Villarroel para sa nalalapit na Mother’s Day.

Sa kanilang exclusive interview sa GMA Network, binahagi ng kambal ang kanilang taos-pusong pasasalamat at pagmamahal para sa ina.

Ayon kay Mavy, na-iinspire raw sila sa kabutihan na pinapakita ni Carmina at nais nilang sundan ang yapak nito.

“We’re inspired to do so many things just because of your hard work and your grit and your success. Cassy and I always love to follow you and we always want to reach our dreams because of what you’ve shown us, the path you’ve given us,” ani ni Mavy.

Kinuha naman ni Cassy ang pagkakataong ito upang magpasalamat sa ina, “I know that she knows that we’re very thankful for her but you know sometimes it’s good to hear it every now and then. I’m very thankful for everything that you do for me, for Mavy, for Tatay, for everyone.”

Aktibo ang pamilya Legaspi sa pagpapaabot ng tulong sa frontliners at higit na apektado ngayon ng enhanced community quarantine bunsod ng COVID-19 pandemic.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kate Valdez, napa-“sana all!” sa relasyon nina Barbie Forteza at Jak Roberto

LJ Reyes, nagbahagi ng saloobin tungkol sa ‘new normal’ sa pagtatapos ng ECQ