Kilala si Lovi Poe bilang isa sa mga artistang mahilig mag-travel. Ngunit dahil sa banta ng COVID-19, naka-quarantine muna ang aktres at pansamantalang ipinatupad ang travel ban.
Sa isang interview, ibinahagi ng ‘Owe My Love’ actress ang mga paborito niyang travel destionations. Nangunguna rito ang New York City.
Aniya, “Just being there, it feels like reliving that moment or just reminds you of all these beautiful movies. Hindi siya nakaka-stress kahit sobrang busy nila tingnan, parang mas nakaka-inspire na feeling mo there is so much more to life. That’s why I like New York.”
Isa rin ang Paris sa listahan niya, “It’s such a romantic place. When you think about Paris, you think about love,” saad niya.
Kasama rin sa mga go-to destinations niya ang Japan dahil sa lapit nito sa Pilipinas, “All you have to do is get on the plane and bumiyahe ka ng limang oras. By the way, yung mga tao doon, sobrang respectful nila. Pag dumaan ka, talagang babati, mag-hello at bow or nod kayo sa isa’t isa.”