Para sa Kapuso mommy na si LJ Reyes, matagal-tagal na adjustments ang pagdadaanan ng lahat sa pagtatapos ng ipinatupad na enhanced community quarantine.
Maraming bagay raw ang dapat asahan na magbabago dahil sa patuloy na paglaganap ng sakit na COVID-19 sa buong mundo. Bukod sa maraming pagbabago sa larangan ng ekonomiya, kalusugan, at marami pang aspeto, naniniwala si LJ na hindi magiging madali ang mga pagdadaanang pagbabago na ito.
Wala man daw kasiguraduhan ang kinabukasan at nakakatakot mang isipin ang mga bagay sa hinaharap, mahalaga pa rin daw ang tanawin ang pag-asa at manatiling positibo para sa ating mga pamilya at mahal sa buhay.
“Any change naman is very fearful na harapin kasi hindi natin sure what would be the outcome, what’s gonna happen next? Pero you know you always hold on to the hope na siyempre as long as we follow, we’re gonna be okay. We’re hoping that we’re not gonna catch the disease so we’re healthy, our family is safe,” ani ni LJ sa kanyang exclusive interview sa GMA Network.
Isa si LJ sa mga nagtaguyod ng Project: Alalay Kay Nanay na isang donation drive para matustusan ang basic needs ng mga babies gaya ng vitamins, food, at hygiene.
Kasama ni LJ sa naturang project ang Celebrity moms na sina Iya Villania, Camille Prats, Chynna Ortaleza, LJ Reyes, Pauleen Luna, Chariz Solomon, at Isabel Oli.