in

Kris Bernal, ibinahagi ang photos at videos ng kanyang engagement kay Perry Choi

Sa unang pagkakataon, ibinahagi ng Kapuso actress na si Kris Bernal sa kanyang fans at followers ang never-before-seen photos at videos ng kanyang engagement sa non-showbiz boyfriend na si Perry Choi.

Sa Instagram, inamin ng aktres na malaking adjustment para sa kanya ang pagsusuot ng singsing dahil wala siya masyadong alahas.

Aniya, ““I don’t own a lot of jewelry and have never regularly worn a ring so this has been a big adjustment to me. Exactly Feb 6, 2020, I got engaged to the love of my life.”

Sinabi rin niya na isang surprise birthday party ang plinano niya para kay Perry subalit lingid sa kanyang kaalaman, may inayos din pala ang nobyo na isang sorpresa para sa kanya.

Sa kanyang YouTube channel, mapapanood ang ginawang proposal ni Perry kay Kris at ang naging paghahanda ng dalaga para sa kaarawan nito.

Dagdag pa ni Kris, “This is not be your typical celebrity vlog because I am doing it with one mission: to inspire and empower people, especially hardworking women out there, who we can always aim for more, reach further, and soar higher!”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Howie Severino, COVID-19-free na!

Carlo Gonzales, ipinasilip ang baby boy nila ni Luane Dy