in

Kate Valdez, napa-“sana all!” sa relasyon nina Barbie Forteza at Jak Roberto

Kahit hindi nagkikita dahil sa enhanced community quarantine, close pa rin at updated dahil sa social media ang ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday’ stars na sina Barbie Forteza at Kate Valdez.

Sa isang interview, sinabi ni Kate na napapanood raw niya ang vlogs ng #JakBie, kung saan tinuruan ni Jak si Barbie paano magluto ng beef salpicao sa pamamagitan ng video chat.

Aniya, “Opo nakita ko ‘yon, ang sweet! Sana all! Kahit naman malayo sila ni Kuya Jak, talagang gagawa nang gagawa ng paraan para magkita sila.”

Samantala, TikTok ang bagong libangan ni Kate habang naka-quarantine. Sa katunayan, mayroon na siyang millions of views sa loob ng isang buwan.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rhian Ramos, nahihilig sa pagluluto habang naka-quarantine sa bahay

Mavy at Cassy Legaspi, may nakakatuwang Mother’s Day greeting para kay Carmina Villarroel