Masayang ibinalita ng veteran broadcast journalist na si Howie Severino na dalawang beses na siyang nag-negative sa COVID-19.
“I’m happy to say that I have finally tested negative twice in a row for the coronavirus. I am now medically considered fully recovered from COVID-19.”
Ito ang pahayag ni Howie sa isang artikulong lumabas sa GMA Network website. Bahagi raw ng protocol ng DOH na dapat mag-test ng negative nang dalawang beses ang mga nag-positibo sa COVID-19 upang ma-declare na magaling na.
Bukod sa pagiging COVID-19 negative, ibinahagi ni Howie na base sa dalawang ginawang antibodies test sa kanya, lumalabas na maaari siyang mag-donate ng plasma para sa mga COVID-19 patient.
“My two antibodies tests showed that I have these anti-viral warriors in my blood, making me eligible to donate plasma to gravely ill patients to improve their chances of survival.”
Matatandaang isa si Howie sa mga personalidad na tinamaan ng COVID-19. Ang kanyang pakikibaka sa virus, kasama na ang sakripisyo ng mga frontliner, ay ipinakita pa niya sa kanyang I-Witness documentary.