in

Glaiza de Castro, may kanta para sa frontliners

May handog na kanta si Kapuso star Glaiza de Castro sa mga frontliners na patuloy na isinusugal ang kanilang kaligtasan upang makapagbigay tulong at serbisyo sa kabila ng banta ng COVID-19.

Para kay Glaiza, isa ang musika sa mga bagay na nakakapagpagaan ng loob at nagbubuklod sa mga tao.

Ang kanyang awiting ‘Ode to the New Heroes’ ay sariling kanta ng aktres na kanyang na-compose sa kasagsagan ng enhanced community quarantine. Katulong ni Glaiza sa pagbuo ng kanta ang kanyang Irish boyfriend na si David Rainey na kasama nito sa Aurora, Baler kung saan siya kasalukuyang namamalagi.

Sa Instagram video na ipinost ni Glaiza kung saan inawit nila ni David ang naturang kanta, inamin nito na hindi raw naging madali para sa kanya na isama ang boyfriend sa video dahil camera shy ito.

“Anyway, this is the least that we can do while we’re here. We all have different ways to cope, help and support and we hope we are able to share positivity amidst uncertainty through this,” ani ni Glaiza.

Samantala, magbabalik-telebisyon si Glaiza para sa kanyang pagbibidahang GMA series na The Seed of Love kasama sina Mike Tan at Valerie Concecion.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Boobay at Tekla, nagbahagi ng mga natutunan nila ngayong ECQ

Sofia Pablo, Althea Ablan at Elijah Alejo, mapapanood sa Playlist Live