in

Cassy Legaspi, may ibinuking tungkol sa kambal

Ipinagmalalaki nina Mavy at Cassy Legaspi ang pagiging mabuti ng kanilang inang si Carmina Villarroel at isa sa pinakamalaking impluwensiya ng kanilang ina ay ang pagiging mapagbigay.

Pansin ito sa ilang pagtulong na iniabot ng dalawa sa pamamagitan ng donation drive at relief packages para sa mga apektado ng COVID-19 pandemic ngayon.

Ayon kay Mavy, “We do it all too naturally. We also love to give and spread love out there. We also love to be a helping hand genuinely, not because we want it na parang so they can recognize us na ‘Oh, very helpful sila,’ or ‘Napakabait naman ‘yung anak ni Carmina,’ whatever. No, we do it genuinely because we got it from our mom.”

Dagdag din ni Cassy, “We actually grew up helping our mom give donations and spend time with other people, those in need. Every time, every year when it’s our mom’s birthday, she always donates to charity, we always visit, play games with them, give food, and all of that. Basta, I’ve never seen such a giving person and that is Carmina Villarroel-Legaspi.”

Ibinuking din ni Cassy na si Mavy ang male version ng kanilang ina. Ayon sa kambal, si Mavy ay malambing, malinis sa kanyang kapaligirian, maporma, at maagap sa oras tulad ng kanilang ina. Agree naman dito si Mavy, aniya, “Personality-wise, easy-going. We’re very easy-going, outgoing, extroverts. Kumbaga we’re very easy to talk to.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Althea Ablan, miss nang awayin si Elijah Alejo?

Rhian Ramos, nahihilig sa pagluluto habang naka-quarantine sa bahay