in

Boobay at Tekla, nagbahagi ng mga natutunan nila ngayong ECQ

Palabiro man ang comedic duo na sina Boobay at Tekla, marami naman silang malalalim at makabuluhang natutunan sa gitna ng dalawang buwan na pamamalagi sa bahay matapos ang ipinatupad na enhanced community quarantine.

Sa kanilang exclusive interview sa GMA Network, binahagi ng The Boobay and Tekla Show hosts ang isa sa mga natutunan nila sa harap ng krisis at ‘yun ay ang importansya ng pag-iipon.

“Very important pala talaga ‘yung mayroon kang itinatabi para sa mga ganitong pagkakataon,” sabi ni Boobay.

Sa ganitong panahon din na-realize ni Tekla na hindi dapat tini-take for granted ang mga bagay na mayroon tayo, “kung ano ‘yung naipundar natin nu’ng mahabang panahon, sa ganito lang na ka-abrupt na buwan, parang doon ko na-realize ‘yung dapat mag-ipon pala.”

Pinaalalahanan din ni Boobay ang wastong paggamit ng face mask at nawa’y ‘wag gamitin nang paulit-ulit. Sa pagtatapos ng quarantine, plano raw ni Boobay na umuwi ng probinsiya sa Zambales kung saan nakapirmi ang kanyang pamilya habang si Tekla naman ay naghahanap ng paraan kung paano patuloy na pasasalamatan ang magigiting na frontliners.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mylene Dizon, tambay sa kusina ngayong quarantine

Glaiza de Castro, may kanta para sa frontliners