in

Althea Ablan, miss nang awayin si Elijah Alejo?

Sa isang interview, inamin ng ‘Prima Donnas’ lead stars na sina Jiliian Ward, Althea Ablan, Sofia Pablo, at Elijah Alejo na miss na nila ang isa’t isa.

Kuwento ni Jillian, nami-miss niya kung paano sila mag-bonding tuwing break time, “Siguro ‘yung pagla-lunch break, dinner break, ‘yung breakfast, kasi doon talaga chikahan kami.”

Si Althea naman, ang pag-arte ang nami-miss nang gawin, “Nakaka-miss din mag-acting. Minsan nga dito na ako nag-a-acting sa bahay e. Miss ko na rin si Donna Belle. Miss ko na rin awayin si Brianna at pahiyain siya.”

Ang kulitan at bonding naman ang hinahanap-hanap ngayon ni Sofia Pablo. Saad niya, “Sa mga kasama ko, ‘yung mga kulitan namin on set. At siyempre ‘yung bonding namin na sabay-sabay kaming kumakain, pinagtitripan namin ‘yung isa’t isa, nagkukulitan kami, nagkikilitian.”

Dagdag na paliwanag naman ni Elijah, kahit madalas magbiruan ay may disiplina pa rin sila kapag oras na mag-trabaho.

Aniya, “Sa set naman po ‘pag naglolokohan naman po kami, may disiplina naman po kami. Kapag sinabi nila direk na, ‘O, seryoso na, mamaya na ‘yung joke time, ‘yung lokohan.’”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Betong Sumaya, natupad ang pangarap na maging recording artist

Cassy Legaspi, may ibinuking tungkol sa kambal