in

Derek Ramsay, namigay ng pagkain sa mga OFW na naka-quarantine

Ipinamalas ng Kapuso hunk actor na si Derek Ramsay ang kaniyang malasakit sa kaniyang mga kababayan lalo na ngayong may kinakaharap na pandemic ang mundo.

Noong nakaraang Lunes, Mayo 4, nagpaabot ng tulong si Derek sa Overseas Filipino Workers (OFW) na naka-quarantine sa World Trade Center sa pamamagitan ng personal na pagdala ng mga pagkain.

Maraming mga OFWs ang pansamantalang namamalagi muna rito bilang alinsunod sa 14-day quarantine matapos mapilitang umuwi upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Pagbabahagi ng aktor, “Thank you Dunkin Ph for making our OFW’s quarantined at the the World Trade Center happy. It’s very kind of the world trade center to open its facilities for our fellow kababayans. Thank you too sa AFP for taking good care of them.”

Nauna nang naghandog ng mga pagkain si Derek sa frontliners na kaniyang nakikita sa daan. Saludo kami sa’yo, Kapuso!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jillian Ward, “most thankful” sa suporta ng pamilya at fans

GMA Artist Center, may bagong online shows!