in

Harutan ng ‘Bubble Gang’ stars sa live chat ng YouLOL, patok sa netizens

Mula pandemic ay nagmistulang ‘FUNdemic’ para sa kwelang cast ng Bubble Gang ang naganap na live chat at kulitan sessions sa official comedy channel ng GMA Network na YouLol nitong Biyernes, May 1.

Para pasayahin ang araw ng mga Kapuso viewers na lugmok ngayon sa ilalim ng enhanced community quarantine, nagsagawa ng live chat ang cast ng award-winning gag show na Bubble Gang sa pangunguna ng kanilang creative director na si Michael V.

Patok naman sa mga netizens ang punchlines at harutan ng Kapuso comedians at comediennes na sumama sa kulitan session.

Ilan sa mga Kapuso stars na bumida sa live chat noong Biyernes ay sina, Kim Domingo, Paolo Contis, Sef Cadayona, Faye Lorenzo, Analyn Barro, Betong Sumaya, Archie Alemania at Valeen Montenegro.

“You always make us happy. What a good stress reliever. More power and blessing mga Kababol,” saad ng isang Facebook netizen.

Kung stress ka na sa mga balita at nagaganap sa mundo, tumambay na sa official comedy channel ng Kapuso Network na YouLOL para sa mga nakakatuwang videos na tiyak na magpapasaya sa inyong mga araw.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

CoLove nina Jennylyn at Dennis, marami ang naka-miss

Ai Ai delas Alas, mas bet maging panadera kaysa artista?