in

Divine Tetay, may nakakatuwang “quarantine look”

Nakaka-aliw ang ibinahaging “quarantine look” ng Kapuso comedian na si Divine Tetay sa social media. Dahil nga karamihan sa atin ay nananatili sa mga bahay bilang pagsunod sa ECQ at pag-iwas sa COVID-19, hindi maiiwasan ang paghaba ng ating mga buhok.

Sa isang Instagram post, ipinakita ni Tetay na tila tinubuan na rin siya ng balbas at bigote. Maraming fans at kapwa Kapuso artists ang natuwa sa kaniyang caption na “Hi guys! Look what quarantine made me do.”

Samantala, mapapanood ang look ni Divine Tetay sa “Binibining ECQ 2020” sa nakaraang episode ng pinaka-bagong comedy channel ng GMA sa YouTube na ‘YouLOL’.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Derek Ramsay, may sweet birthday greeting para kay Andrea Torres

Gabbi Garcia, hindi nagpa-kabog sa TikTok!