in

CoLove nina Jennylyn at Dennis, marami ang naka-miss

Ramdam naman ng Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang pinagdaraanan ngayon ng mga apektado ng COVID-19 pandemic.

Bilang pampalubag-loob sa mabigat na krisis na kinahaharap ngayon ng mundo, may munting handog sina Jennylyn at Dennis sa netizens.

Sa YouTube channel ng Kapuso actress, muling ibinalik ng dalawa ang well-loved segment nila na CoLove kung saan nagco-collab ang magkasintahan upang mag-cover ng mga sikat na kanta kasama ang kanilang banda. Dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine, online jamming muna ang isinagawa ng DenJen kasama ang kanilang band.

“Dahil sa ipinapatupad na ECQ ay hindi muna tayo magkakantahan sa CoLove studio at sa halip ay online din muna ang magiging jamming namin ni Dennis kasama ang 3rd Avenue. Sana magustuhan n’yo and sana mapasaya namin kayo kahit papaano sa hinanda namin na ito,” ani ni Jen.

Natuwa naman ang kanilang fans sa muling pagbabalik ng CoLove, “Ang sarap sa tenga! Namimiss ko na ang Descendants Of The Sun na gabi-gabi kong pinapanuod pagkagaling sa work.”

Samantala, dahil tigil muna sa taping ang DOTSPH na pinagbibidahan ni Jen, pansamantalang napapanood ang Encantadia sa GMA Telebabad. Habang si Dennis naman ay magbabalik-telebisyon sa GMA series na Legal Wives kasama sina Alice Dixson, Megan Young, at Bianca Umali.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

TikTok dance videos ni Mark Herras, nag-viral

Harutan ng ‘Bubble Gang’ stars sa live chat ng YouLOL, patok sa netizens