in

‘Wowowin,’ hindi mag-aatubiling magsampa ng kaso laban sa scammers

Naglabas ng babala ang Wowowin sa Kapuso viewers na mag-ingat at huwag magpaloko sa online scams at fake social media accounts.

Hindi ito mag-aatubiling magsampa ng kaso laban sa mga pekeng accounts na gumagamit ng pangalan ng programa o ni Willie Revillame para manloko.

Ayon sa kanilang babala, “Masugid na hinahanap ng aming team ang pekeng pages na ito. At kung mapatunayan na ginagamit ang programa o si Kuya Wil upang makapanloko, agad-agad namin kayong sasampahan ng kaukulang kaso.”

Pinaalalahanan din ng Wowowin na para sa proteksyon ng mga nais sumali sa ‘Tutok To Win’ ay ipadala lamang ang kanilang contact details sa pamamagitan ng private message o PM sa official Wowowin Facebook page.

Tumutok nang live sa Wowowin mula Lunes hanggang Biyernes sa TV, YouTube, Facebook at Twitter.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kyline Alcantara, 3 million na ang fans sa IG!

Brent Valdez, nakapagsimula ng milk tea business ngayong quarantine