in

Mylene Dizon, ibinahagi ang kaniyang home workout routine

Nananatiling fit at healthy ang Bilangin ang Bituin sa Langit actress na si Mylene Dizon kahit sa loob lamang ng bahay.

Ibinahagi niya sa pamamagitan ng isang post sa Instagram ang kaniyang sikreto sa magandang pangangatawan, “There is no other day but today, so enjoy the journey of your transformation! Do 12-15 reps 3 sets.”

Bukod sa gardening, ito ang pinagkakaabalahan ni Mylene! Stay at home muna ang aktres dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine laban sa banta ng COVID-19.

Pansamantala rin kasing itinigil ang pag-ere ng kaniyang pinagbibidahang serye sa GMA na ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’ kung saan kasama niya sina Kyline Alcantara at Superstar Nora Aunor.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rocco Nacino, naudlot ang paglipat sa bagong bahay

GMA Music, maglalabas ng compilation album ng madamdaming mga kanta