in

Kyline Alcantara, 3 million na ang fans sa IG!

Isa na namang milestone ang na-achieve ng Kapuso Breakout Star na si Kyline Alcantara kahapon sa social media platform na Instagram!

Umabot na kasi ng three million ang kaniyang followers dito, bagay na ikinatuwa ng aktres at ipinagpasalamat niya sa lahat ng kanyang mga taga-suporta. Hindi nawawala ang presensya ni Kyline online at panay ang kaniyang pagpost ng updates sa fans.

Kamakailan lang, pina-uso niya ang dance craze na #123DanceChallenge na agad pumatok sa TikTok! Kahit na pansamantalang hindi muna napapanood ang pinagbibidahang GMA Afternoon Prime series na ‘Bilangin ang Bituin sa Langit,’ nakakahanap pa rin si Kyline ng paraan upang magpasaya ng audience.

Congrats, Kapuso!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Althea Ablan, enjoy sa pagluluto!

‘Wowowin,’ hindi mag-aatubiling magsampa ng kaso laban sa scammers